209
Kahit ano’ng tulong ibibigay ni EJ sa UST
Aug 19, 2019 @ 16:32

Kahit ano’ng tulong ibibigay ni EJ sa UST

Balik volleyball action na si UAAP Season 77 Rookie of the Year EJ Laure para sa UST Golden Tigresses matapos ang dalawang taon nang maglaro nitong Linggo ng umaga sa 2019 PVL Collegiate Conference sa FilOil Flying V Centre.

Wagi ang kampo ng Golden Tigresses kontra LPU Lady Pirates via straight sets, 25-18, 25-13, 25-21, sa pangunguna ni rookie Imee Hernandez na may siyam na puntos.

Bagamat dalawang puntos lang ang naihatid ni Laure, masaya ito sa kanyang pagbabalik.

“Siyempre sobrang happy kasi nasabi ko noong [UAAP] Finals sa kanila na babalik na ko,” kwento ni Laure.

“Sobrang happy ako na nandito na ulit ako kasama sila Coach [Kungfu Reyes].”

At kahit hindi pa naninibago sa court at pinapalakas pa ang kondisyon ng katawan, handa namang tumulong si Laure para sa UST.

“Siyempre gagawin ko lahat. Kahit hindi ako sa points, at least, tutulong ako sa kanila sa mga receive at saka sa pagsasalita sa kanila sa kung ano’ng kailangan nilang gawin para umayos ‘yung laro nila,” giit ni Laure.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?