14

Kahit 6-anyos sangkot na sa drug trade – PDEA

Sharing is caring!

Nagpasalamat at tinanggap ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang suporta ng Palasyo sa panukala ng ahensiyang mag-conduct ng mandatory drug test sa mga grade 4 students pataas.

Ayon sa PDEA kamakailan na may 1,820 menor de-edad nang naaresto at na-rescue ang ahensiya simula noong 2016.

Dagdag pa nito, ang pinakabata sa kanilang mga na rescue ay hindi bumababa sa 6 na taong gulang.

Saad ni PDEA chief Director General Aaron Aquino, ipinagpapasalamat nila ang pagsuporta ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa kanilang panukala.

Para kay Aquino ang pagsuportang ito ng Palasyo ay isang bagong hakbang sa pagsulong ng kampanya kontra ilegal na droga ng pamahalaan.

Isa rin umano itong paraan ng ahensiya upang tunay na mailigtas ang mga kabataan mula sa iligal na droga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?