30

Jul 19, 2021 @ 18:12
By

Kahit 40 anyos na! Rigondeaux ‘di takot kay Casimero

Kumpiyansa ang Cuban boxer na si Guillermo Rigondeaux na malaki ang tsansa niyang manalo laban sa pambato ng Pilipinas na si John Riel Casimero sa kanilang sagupaan sa Agosto 14.

Tatangkain ni Rigondeaux na maagaw ang WBO bantamweight belt ni Casimero kahit siya ay 40-anyos na.

Sa kabila ng edad, nananatiling positibo si Rigondeaux na kaya niyang mapataob si Casimero.

“Although I’ve been out of the ring for well over a year, I’m still in great shape and have plans to ruin Casimero’s dreams. I know he has a lot of power, but he’s fighting a man with excellent boxing skills and a high ring IQ,” saad ni Rigondeaux sa report ng BoxingScene.com.

“I’m going to box circles around Casimero and show him what ‘El Chacal’ is all about. My trainer Ronnie Shields, and I have been working on some new tricks, so don’t be surprised if I knock him out,” dagdag pa nito.

Tangan ni Rigondeaux ang impresibong kartada na 20-1, 13 KOs, kung saan isa sa mga naging biktima niya si Nonito Donaire.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?