6,001

Oct 9, 2021 @ 19:15
By

Kahit 3 taon ‘di nahimas: Patalim ni Robin matalas

Level-up si Robin Padilla sa pagpapakita ng kanyang martial arts skills dahil nitong Huwebes ay ipinamalas niya ang gilas sa paggamit ng ‘panaksak.’

Gaya ng mga una niya post, naka-video si Robin habang nagsasanay sa paggamit ng panaksak na ang tawag umano ay ‘Barong.’

Ayon sa action star, bagamat mukha siyang sanay sa mga video ay hindi pa siya eksperto at lalong hindi siya instructor sa paggamit nito.

Aniya, full body workout, muscle memory at mind conditioning lang ang sikreto kaya’t mahusay siyang gumamit nito.

Partida, sinabi rin ni Robin na tatlong taon niyang hindi nahimas ang kanyang Barong na galing umanong Basilan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?