14

Mar 28, 2021 @ 16:51
By

Kahit 22K gumaling: COVID positive sa ‘Pinas lampas 105K pa rin

Hindi pa rin tuluyang bumaba ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 kahit mataas na ang dumagdag nabilang ng gumaling na pasyente sa bansa.

Sa tala ng Department of Health nitong Linggo, nasa 22,000 pasyente ang nakarekober sa virus dahilan para umakyat sa 603,154 ang total na bilang ng COVID-19 survivor.

Ngunit nanatiling mataas ang active case sa 105,568, sa panibagong 9,475 tinamaan ng new coronavirus.

Dahil dito’y sampa na sa 721,892 ang kabuuang bilang ng sapol ng COVID-19.

Sa bilang naman ng nasawi, 11 ang dumagdag habang 13,170 ang total ng namatay sa virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,