9

Jan 9, 2022 @ 10:57
By

Kahit 2 na bahay: Belo todo kayod pa rin

Hindi pa rin humihinto sa pagkayod si Dra. Vicki Belo kahit pa mayaman na ito.

Kwento nga ni Belo ay may dalawa itong bahay sa isang exclusive village.

Ang isa raw ay pribado niyang tahanan habang ang isa naman ay tinatawag niyang “stage home” kung saan niya ginagawa ang kaniyang mga vlog.

Sa YouTube vlog ng komedyante na si Vice Ganda, ipinaliwanag nito kung bakit dalawa ang kaniyang bahay.

“Kasi, ‘di ba, itong bahay na ’to, medyo na-overexpose. So sabi namin ni Hayden, kapag may bagong bahay na kami, private lang ’yun. All the ganaps here,” paliwanag ni Belo.

Ayon kay Belo, hindi na raw talaga sila namamalagi sa kanilang stage house, ngunit karamihan pa rin daw sa kaniyang personal na gamit ay nakalagay pa rin sa nasabing bahay.

Samantala, nang tanungin ni Vice si Belo kung bakit pa ito nagtatrabaho kahit mayaman na, ang sagot nito: “For me, for other people, kasi I get so happy. You, you’re happiest when you make people happy, right? It’s the same for me. But I don’t know how to be a good, witty comedian. I only know how to make people feel beautiful and condiment. When they do, I’m so happy.”

Aniya, nagtatrabaho siya hindi para sa pera, kung hindi para na lang magpasaya ng kaniyang pasyente. (Sherrylou Nemis)

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?