57
jonas-sultan
By

Kahinaan ni Ancajas sasamantalahin ni Sultan

Biyahe nang pa-Amerika si Jonas Sultan upang doon ituloy ang training camp para sa May 26 bout niya kontra kapwa-Pinoy at IBF super flyweight ruler Jerwin Ancajas sa Fresno Save Mart Arena sa Fresno, California.

Ayon sa 26-anyos na produkto ng Tampilisan, Zamboanga del Norte, sasabayan niya ang pagiging agresibo ni Ancajas, pambato ng Panabo City sa Davao del Norte at nakabase na ngayon sa Cavite City.

“Kung papasok siya, handa ako. Kung gusto niya malapitan, sasabay din ako,” deklara ni Sultan.

Giit naman ng head trainer nito na si Edito Villamor, bagama’t liyamado si Ancajas sa laban ay pinag-aaralan na nila ang mga kahinaan nito. Iyun aniya ang gagamitin nilang alas laban kay Ancajas. “We have studied Jerwin’s fights. He’s very good. But however good a boxer is, he has some weakness,” ani Villamor. “We’ve seen Jerwin’s weakness and we are planning to target that.”

Sa darating na Mayo 15 naman nakatakdang sumugod sa Tate ang Team Ancajas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?