37

Jan 6, 2022 @ 14:44
By

Kahinaan ng Duterte gov’t, lumabas sa home testing – Bayan Muna

Ang inaasahang pagpayag ng Department of Health (DOH) sa paggamit ng self-administered o home testing COVID-19 test kit ay pagpapakita umano ng kahinaan ng Duterte administration sa paglaban sa pandemya.

Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite sa halip na magsagawa ng libreng mass testing ang nais ng gobyerno ay hayaan ang publiko na gumastos para malaman kung sila ay nahawa o hindi.

“In a sense it is like reiterating the oft repeated line of Pres. Duterte, ‘Bahala na kayo sa buhay nyo’,” sabi ni Gaite, ang ikalawang nominee ng Bayan Muna.

Pinuri naman ni Gaite ang mga lokal na pamahalaan na pilit na nagsasagawa ng libreng mass testing sa kani-kanilang lugar.

“Early on, the Duterte admin should have established testing centers because as of now there are only 310 testing sites in the whole country and most of them are privately-owned. Now that antigen tests are relatively cheaper the DOH and more LGUs can still set up testing sites for free testing because P300-P400 is still a huge drain for our minimum wage earners,” sabi ni Gaite.

Muling iginiit ni Gaite ang kahalagahan na malaman ng isang indibidwal kung siya ay positibo sa COVID-19 upang hindi na makapanghawa pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?