270

Dec 30, 2017 @ 10:19
By

Kagawad niratrat sa loob ng barangay hall sa Tondo, patay

Patay ang isang babaeng kagawad makaraang pagbabarilin sa loob mismo ng barangay hall sa Balut, Tondo, Maynila kagabi.

Sa paunang imbestigasyon ng Manila Police District (MPD), nangyari ang insidente alas-9:15 ng gabi sa loob ng barangay hall ng Brgy. 129, Zone 11 sa Rodriguez St., sa Tondo.

Kinilala ang biktima na si Ana Patricia Regular, 57-anyos.

Isinugod pa ang biktima sa Tondo Medical Center pero binawian din ng buhay dahil sa tinamong multiple gunshot wound.

Iniimbestigahan na ng MPD ang motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng salarin na ayon sa mga testigo ay nakasuot ng asul na T-shirt, camouflage shorts at bullcap. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?