29
aso
By

Kagawad arestado sa pagkatay ng aso

Sharing is caring!

Dinakip ang isang kagawad at dalawa pang kasama nito matapos mangatay ng aso sa Barangay Rizal, Rosales, Pangasinan noong Martes.

Kinilala ang mga itong sina kagawad Joven Ledda; Danilo Morden, isang magsasaka, at Renato Caramat, isa namang farm helper.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Animal Welfare Act ang mga naaresto matapos maaktuhang kinakatay ang aso.

Nasa kustodiya na ang mga ito ng Rosales police.

Batay sa Section 8 ng Animal Welfare Act, makukulong ang sinumang lumabag dito ng anim na buwan hanggang dalawang taon o multa na P1,000 hanggang P5,000, o parehong parusa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?