12

Oct 17, 2020 @ 10:58
By

Kagawad arestado sa buy-bust

Nadakip ang isang barangay kagawad sa isinagawang buy-bust operation sa Maguindanao nitong Biyernes.

Kinilala ni Western Mindanao Command (WestMinCom) chief Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr ang suspek na si Jahir Guipal, isang kagawad sa Mangudadatu, Maguindanao.

Pinasok ng 40th Infantry Battalion, PDEA-BARMM at Buluan Municipal police ang SPDA compound kung saan nakuha ang siyam na pakete ng hinihinalang shabu, P1,000 marked money, P14,000, at dalawang cellphone sa buy-bust operation.

Kinilala din ang suspek na kasama sa high-value target ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?