101

Oct 19, 2017 @ 16:31

Kagawad, 3 pa arestado sa mahjong

Arestado ang isang barangay kagawad at tatlong iba pa matapos maaktuhang nagsasagawa ng iligal na sugal sa Oriental Mindoro.

Kinilala ang naarestong kagawad na si Danilo Mahaguay Sales, 56-anyos; at mga kasama nitong sina Joey Rey Sales Sena, 28; Joel Sales Sena, 30, at Benjamin Mahaguay Sales, 51, kapwa mga residente ng Sitio Centro, Barangay Maningcal, Pinamalayan, Oriental Mindoro.

Sa ulat ng PNP MIMAROPA, alas-4:45 ng hapon noong Oktubre 15, 2017, naaktuhang naglalaro ng mahjong sa loob ng isang nipa hut na pagmamay-ari mismo ng kagawad ang mga naaresto.

Narekober ng mga tauhan ng Pinamalayan Municipal Police Station sa lugar ang mahjong tiles, bet money na P340 at ilan pang gambling paraphernalia.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o illegal gambling ang mga naaresto. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?