27
dead-man
By

Kaga-graduate lang patay sa aksidente sa Bohol

Sharing is caring!

Patay ang isang kaga-graduate pa lamang na senior high school habang sugatan ang dalawa pang kasama nito nang maaksidente sa sinasakyang van matapos dumalo sa graduation party, kamakalawa ng gabi sa sa Dauis, Bohol.

Sa report na nakalap mula kay Dauis Police Station Desk officer SPO3 Jose Pogoy, galing sa kanilang graduation party ang mga biktima na sina Prince Jumawid, 19-anyos, Marvin Arcamo Guiritan, 18-anyos, residente ng Marapao St., Dauis at Allen Pablo, 18-anyos.

Batay sa report, mabilis umano ang takbo ng isang Mitsubishi Montero na minamaneho ni Jumawid na patungo sanang Tagbilaran City at bigla itong nag-over take sa kahabaan ng national road sa Barangay Tinago at doon na nawalan ng kontrol na naging ng pagsalpok ng sasakyan sa puno.

Dead on the spot si Guiritan habang sugatan at kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan ang dalawang binata na sina Jumawid at Pablo.

Ayon sa pulisya, posibleng nakainom ang mga biktima kaya naaksidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?