286,648

Mar 23, 2020 @ 19:26
By

KADIRI! Relief goods ni Mayor Joy, sa ‘trak ng basura’ sinakay

YUCK!

Pinandidirihan ngayon ng mga netizen ang sinasabing pinamudmod na tulong ng Quezon City government sa pamumuno ni Mayor Joy Belmonte matapos mag-viral ang litrato ng isang sinasabing trak ng basura na kinalalagyan ng bunton na relief pack.

Sa post ng netizen na si @CarolClaudio sa kanyang Facebook account ay ramdam ang labis nitong panggigigil dahil sa `kababuyang’ insidente.

Agad naman umanong pinalagan ni Hon. Brgy. Captain Banjo Pilar ang pinost na litrato ni @CarolClaudio at dinepensa nito sa kanyang comment na hindi daw truck ng basura ang kanilang pinaglagyan kundi isang utility truck.

Pero sa nakitang post at litrato sa social media ay marami pa rin ang napamura, nandiri at ayaw nang kainin ang umano’y `padulas’ ng mayora.

@BayaniHilaro: “Kulang sa pagpapahalaga sa tao”

@CharlieManalo: “Tangina! Kayo kumain nyan! Masyado nyo na kaming binababoy!”

@MariaPacis “wala man lang ba matino sasakyan QC? Or nakurakot na pambili? Kawawa namn qc.”

Kung utility truck man ang nasa larawan o trak ng basura ay kayo na ang humusga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?