626

By

Kadeteng manyak, nagpa-oral sex sa bagong salta

Sharing is caring!

Dalawang first year sa Philippine National Academy sa Silang, Cavite ang minanyak ng kanilang mga upper class noong nakaraang mga araw.

Sa report sa dzMM ni reporter Maan Macapagal, isinaad ni PNP Academy director chief superintendent Joseph Adnol na iniimbestigahan na ang tatlong upper class na sangkot sa panghahalay.

Isa umano ang nagpa-oral sex sa dalawang ‘plebo’ habang dalawa naman sa senior ang nanood lang ang hindi pinigilan ang nagaganap sa likod ng barracks ng mga first year trainee.

Sisibakin ang tatlong kadete sa PNP academy kapag napatunayang nanghalay ang tatlong kadete, ayon kay PNP chief Oscar Albayalde, habang tinitingnan pa ang ikakasong administratibo sa tatlo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?