5,339
2 Abu Sayyaf todas sa Sulu encounter
Jun 26, 2019 @ 17:43
By

Kadete patay matapos ang ROTC training

Binawian ng buhay ang isang estudyante matapos mag-training sa Reserve Officers’ Training Corps (ROTC), Sabado sa Zamboanga del Sur.

Ayon sa report, nagkaroon ng cardiac dysrhythmia o sepsis at pulmonary congestion si Roel Sedenio, ang 21-anyos na kadete, matapos mahimatay habang ginagawa ang physical fitness routine sa Pagadian City.

Dinala sa Zamboanga del Sur Medical Center si Sedenio, sinabi na dumanas ito ng hyperventilation at kaagad ding dinischarge ng ospital.

Nang nagpapahinga ito sa loob ng military hospital ay napansin ng kanyang mga kasamahan na nagkakaroon ito ng seizure.

Dinala muli sa Zamboanga del Sur Medical Center si Sedenio ngunit dito na sumakabilang-buhay.

Si Sedenio ay mag-aaral ng Josefina H Cerilles State College, kumukuha ng kursong information technology at nasa ikatlong taon na niya sa kolehiyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?