246

Sep 24, 2019 @ 15:19
By

Kadete, opisyal ng PMA na papanagutin sa hazing, tinukoy na

Nagbitiw na sa puwesto si Philippine Military Academy (PMA) Supt. Ronnie Evangelista matapos ang insidente ng hazing.

Kasamang nagbitiw sa puwesto ni Evangelista si Corps of Cadets Commandant Brig. General Bartolome Vicente Bacarro.

Sa panayam kay Bacarro kasama siyang nag-resign ni Evangelista dahil sa command responsibility.

“Kahit ginawa nating lahat, ‘yung principle ng command responsibility nag-volunteer na kami, we’re awaiting ‘yung final orders pero most likely tatanggapin niya (AFP Chief of Staff), ang sa akin kasi ang kuwan ko is to save the organization na kaya kami nag-resign whether you like it or not, kami ‘yung commanders, ‘yung pag-resign naman namin it’s not an admission na may mali kami, na nagkulang kami,” pahayag ni Bacarro.

Samantala, kinumpirma naman ni AFP spokesperson Marine Brig. General Edgard Arevalo na tinanggap na ni AFP chief of staff Benjamin Madrigal Jr. ang resignation nina Evangelista at Bacarro subalit sa ngayon ay wala pang pangalang lumutang kung sino ang ipapalit sa kanilang puwesto.

Inilabas na rin ng PMA ang mga pangalan ng mga kadete na sangkot sa pagkamatay ni 4th Class Cadet Darwin Dormitorio at ang mga parusa sa mga ito.

Tatlong senior cadets ng PMA na mayroong direktang partisipasyon at responsable sa grabeng panggugulpi kay Dormitorio ay inihahanda na pagpapatalsik sa akademya.

Kinilala silang sina Third Class Cadets Shalimar Imperial at Felix Lambag, habang si Cadet 1st Class Axl Ray Sanupco ang siyang primary suspect at nag-utos sa mga kadete na gulpihin si Dormitorio bilang parte ng hazing, ayon kay Bacarro.

Mapaparusahan din dahil sa command responsibility ang squad leader na si Cadet 2nd Class Nickoel Termil.

Masususpinde naman ng isang taon sina Cadet 1st Class Irvin Sayud (platoon leader), Cadet 1st Class Elbert Lucas (CO); para sa class 1 offense sina Cadet 1st Class Christian Correa (floor inspector), officer ng Tactics Group; Major Rex Bolo (STO); Capt. Jeffrey Batistiana; Hospital Col. Cesar Candelaria, commanding officer; habang sibak din bilang commander ng PMA station hospital si Capt. Dr. Flor Apostol, attending physician na sumuri kay Dormitorio bago ito namatay.

Mayroong siyam na kadete din ang kinukonsiderang witness sa nasabing insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?