306
rape
By

Kadete ng PNPA, arestado sa attempted rape

Dinakip ang isang kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) dahil sa kasong attempted rape.

Ayon sa ulat, nag-isyu ang Palawan court ng arrest warrant laban kay Mark Vincent Segay noong Oktubre 15 pero naaresto ito noong Nobyembre 5.

Nangyari umano ang tangkang panggagahasa ni Segay bago pa man ito pumasok ng PNPA.

Ayon kay PNP spokesperson Chief Supt. Benigno Durana Jr., ang insidente ay nagpapakita umano ng mahinang selection process ng mga magiging pulis ng Philippine Public Safety College dahil hindi nito nadiskubre ang krimen umanong ginawa ni Segay.

Dagdag pa ni Durana, ang mga indibiduwal na may nakabinbing kaso ay hindi pinahihintulutang makapasok ng PNPA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?