13

Jul 19, 2021 @ 18:42
By

Kadamay leader pumanaw na

Inanunsyo ng grupong Kadamay na pumanaw na nitong Lunes ang aktibistang si Carmen Deunida, na mas kilala bilang Nanay Mameng.

Siya ay edad 93.

“Ikinalulungkot naming ibalita sa lahat na namayapa na ang aming dakilang lider at tagapangulong tagapagtatag na si Nanay Mameng sa edad na 93,” saad sa Facebook post ng Kadamay.

Hindi naman iniulat ang sanhi ng pagkamatay.

Nagsimula ang pagiging aktibo ni Nanay Mameng sa aktibismo noong 1978, kung saan kasagsagan ng diktaturya ni dating pangulo Ferdinand Marcos.

Naroon din siya nang sumiklab ang EDSA Dos noong panahon ni dating pangulo Joseph Estrada.

“Sabi nga ni Nanay Mameng, lahat raw ng presidente inabutan niya, pero makakamit lang natin ang pagbabago sa pagkilos para sa pambansang demokrasya,” dagdag pa ng Kadamay.

Sa kanilang post ay inalala rin ng grupo ang pamosong linya ni Nanay Mameng: “Lalaban hanggang may dugo, titigil lang ako sa kapag ako’y nasa kabaong na!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?