92

By

Kadamay binalaan ni Duterte; NHA nagpaliwanag sa bakanteng pabahay

Sharing is caring!

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang grupong Kadamay na mahaharap sa buong puwersa ng batas kapag nagpilit na mang-agaw na naman ng mga pabahay ng gobyerno.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na inatasan ni Pangulong Duterte ang Philippine National Police (PNP) na huwag hayaang makapasok ang grupo sa mga target nilang housing units.

Sinabi aniya ng Pangulo na ang pang-aagaw ng mga housing units sa Pandi, Bulacan ang una at huling aksiyon ng Kadamay.

Pinagpapaliwanag din ni Pangulong Duterte ang National Housing Authority (NHA) kung bakit may mga nakatiwangwang pa ring mga pabahay.

Sinabi ni Roque na nais malaman ng Pangulo kung kailan ibibigay ang mga bakanteng pabahay sa mga benepisyaryo.

“The President has given directives to the police that Kadamay should not be allowed to take-over these housing units, and an order has also been directed to NHA to explain why we have idle housing units and when they intend to give these housing units to the intended beneficiaries,”ani Roque.

Matatandaang nabigo kahapon ang grupong kadamay na pasukin ang isang housing project sa Rodriguez, Rizal matapos harangin ng mga residente at mga alagad ng batas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?