11
nfa-bigas
By

Kadaldalan ng NFA, magpapataas ng presyo ng bigas – Pangilinan

Sharing is caring!

Tinuligsa ni Senador Kiko Pangilinan ang National Food Authority (NFA) dahil isinapubliko ang plano nitong mag-aangkat ng 500,000 metriko tonelada ng bigas na itatapal sa manipis nilang imbentaryo.

Ayon kay Pangilinan, puwedeng mas tumaas ang presyo ng bigas dahil dito.

Umano’y maaaring taasan ng international rice traders ang kanilang presyo dahil alam nang bibili ng bigas ang Pilipinas, na isa sa pinakamalakas na rice importer.

“The premature announcement of rice imports will only exacerbate increase in rice prices to the detriment of the buying public, many of whom are poor,” sabi ni Pangilinan.

Makikinabang umano rito ang mga rice trader na lumolobo ang kita kapag mataas ang presyo ng bigas.

Makikinabang din umano ang mga tiwali sa gobyerno na makakakuha ng kickback dahil sa artipisyal na pagtataas ng bigas.

Sa pagtaas ng presyo ng bigas, lolobo umano ang utang ng gobyerno.

“The expensive purchase of rice imports by government places the country deeper into debt since NFA purchases are paid through government borrowings,” dagdag ni Pangilinan.

Dahil dito kaya umano laging sikreto kapag pinaplano ang pag-angkat ng bigas.

Malalaman na lamang ito kapag nagkaroon ng bidding.

Ngayong nakaanunsiyo na ang pag-aangkat, wala umanong magagawa ang gobyerno kundi tanggihan na ang mataas na bid price ng bigas. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?