20

Kada linggong oil price hike, pinabubusisi ng DOE sa DOJ

Sharing is caring!

Nanawagan si Energy Secretary Alfonso Cusi kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na paimbestigahan ang diumano’y hindi makatuwiwang pagtaas sa produktong petrolyo nitong nagdaang mga linggo.

“In the light of the news reports of alleged unreasonable prices of petroleum products, there is an urgent need to reactivate the DOE-DOJ Task Force which has become dormant through the past years,” pahayag ni Cusi sa kanyang liham kay Aguirre.

Ginawa ni Cusi ang panawagan kasunod nang kada linggong pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Sabi ng Energy chief, makikipagtulungan sila sa DOJ sa imbestigasyon at tingnan kung kailangang bang kasuhan ang mga kumpanya ng langis hinggil sa madalas nilang pagtataas sa presyo ng langis.

Ang DOE-DOK Task Force ay inatasang mag-imbestiga at magpatupad ng sanction sa sinumang napatunayang lumabag sa Republic Act 8479 o Oil Deregulation Act of 1998, partikular ang kartelisasyon at walang habas na pagpapataw ng presyo ng oil products.

“We therefore seek your usual cooperation by providing us with the names of your duly designated representatives in the said Task Force in order that it can reconvene as soon as possible and perform its functions under R.A 8479,” sabi pa ni Cusi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?