18

Jan 11, 2022 @ 16:44

Kabuuang bilang tinamaan ng Covid sa ‘Pinas lagpas 3M na — DOH

Umabot na sa kabuuang 3,026,473 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas simula nang magka-pandemya.

Ayon sa Department of Health, umabot ito ng tatlong milyon matapos na maitala ang 28,007 na bagong kaso ng Coronavirus nitong Enero 11.

Nasa 181,016 naman ang mga aktibong kaso sa ngayon; 295 dito ang nasa kritikal na kondisyon, 1,464 ang severe, 170,873 ang mild, at 5,521 naman ang asymptomatic.

Nasa 4,471 ang nakarekober na umabot sa kabuuang 2,792,946.

Habang nasa kabuuang 52,511 na ang bilang ng mga namatay nang masawi ang 219 na indibidwal.

Samantala, nanguna naman ang National Capital Region sa may pinakamaraming naitalang impeksyon na umabot sa 55 porsyento. (Sherrylou Nemis)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?