224

Oct 5, 2017 @ 14:40

Kabit ni Trillanes ibinisto ni Duterte

Pinangalan na ni Pangulong Duterte ang source ng hawak na bank transactions record ni senador Antonio Trillanes IV kaugnay sa bintang na tagong yaman umano nito.
Ayon sa Presidente, ninakaw ng isang nagngangalang “Abad” ang mga dokumento sa Anti-Money Laundering Council at ibinigay kay Trillanes.
Si Abad ay kabit umano ni Trillanes at siya ang nagbukas sa account ng Pangulo at ibinigay sa senador.
Kaya umano lumaki ng bilyong piso ang computation ay sa dahilang araw araw itong binibilang at hindi naman isinama ang debit nito.
“Nagpindot, pagbukas ng account ko, ibinigay kay Trillanes. Si Abad who is the mistress of Nograles…ay ni Trillanes. Mali naman. Mistress yan siya ni Trillanes yang Abad na yan. Trillanes computed it on a daily basis. I -out, in-out. Yung credit, yung debit wala na kaya ganun lumaki, kaya ako natatawa,” ang pahayag ng Pangulo.
Binigyang-diin ng Presidente na hindi magagamit na ebidensiya yon sa korte laban sa kanya dahil nakaw ito at walang pahintulot ng AMLAC. (Aileen Taliping)
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?