2,009
Kabit ni misis tinali, ginunting ang ari
Jul 18, 2019 @ 15:03
By

Kabit ni misis tinali, ginunting ang ari

Nadakip ang isang lalaki matapos nitong putulan ng ari ang lover ng kanyang asawa.

Ayon sa report, pinasok ng suspek na si Alex Bonilla ang bahay ng kapitbahay niya noong Linggo, itinali ang biktima at pinutol ang ari nito sa pamamagitan ng gunting sa Gilchrist County, Florida.

Iniimbestigahan pa ang motibo ni Bonilla pero lumabas sa arrest report na nahuli ng suspek ang misis niya at ang biktima na nagtatalik noong Mayo.

Sa pahayag ng biktima sa mga pulis, itinakbo ni Bonilla ang naputol niyang ari.

Kasalukuyan nang nasa ospital ang biktima habang ilang oras matapos ang ginawang krimen, nadakip ang 49-anyos na si Bonilla.

Kabilang sa isasampang kaso laban sa kanya ang aggravated assault.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?