checkpoint1

Kabi-kabilang checkpoints, itinalaga sa Metro Manila

Sharing is caring!

Lalo pang pinahigpit ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang pagsasagawa ng checkpoints kaugnay ng pag-uumpisa ng election period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections, kahapon ng madaling-araw.

Naglunsad ng kani-kanilang checkpoints ang police districts kabilang ang Quezon City Police District, Manila Police District, Northern Police District, Southern Police District at Eastern Police District.

Pangunahing ipinatupad sa election period ang pagbabawal ng pagdadala ng baril kahit na may dokumento ito habang kanselado rin ang ‘permit to carry outside residence’ ng mga lehitimong gun owner.

Tatagal ang election period mula Abril 14 hanggang Mayo 21.

Ipinaalala ng Comelec na dapat may sapat na ilaw sa mga itatatag na checkpoints, may malaking placard na nakasaad na “Comelec Checkpoint”, nakasulat ang pangalan ng election office at station commander, nasa maayos na uniporme ang mga pulis, at magagalang sa mga motorista.

Nilinaw rin ng ahensiya na dapat ay ‘plain view’ o ‘visual search’ lamang ang isagawa ng mga pulis sa mga motorista na paparahin ng mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?