39

Dec 9, 2021 @ 16:21
By

Kabayanihan ni Kuzma nagpataob sa Pistons

Isinalpak ni Kyle Kuzma ang isang three-pointer may 0.6 segundo na lang sa overtime upang ibigay sa Washington Wizards ang 119-116 panalo kontra sa Detroit Pistons ngayong Huwebes.

Tabla pa ang iskor sa 116-all bago nakuha ni Kuzma ang pasa mula kay Spencer Dinwiddie at ibinaon ang tres mula sa corner.

Tumapos si Kuzma ng may 26 points at pitong rebounds, habang nagdagdag pa si Bradley Beal ng 25 points at anim na rebounds.

Pinangunahan naman ni Jerami Grant ang Detroi sa kanyang 28 points, habang may 21 points ang rookie na si Cade Cunningham.

Umangat ang kartada ng Wizards sa 15-11, habang patuloy ang pangungulelat ng Detroit sa 4-20 record.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?