117
saf 44
Jan 25, 2018 @ 13:26

Kabayanihan ng SAF 44, inalala sa national day of remembrance

Ginunita nitong Huwebes ang kabayanihan ng 44 na Special Action Force (SAF) commandos na namatay sa anti-terror operation sa Mamasapano, Maguindanao, tatlong taon na ang nakakalipas.

Binansagang “SAF 44”, dineklara ng Malacañang ang Enero 25 bilang national day of remembrance para sa namatay na mga miyembro ng elite police force.

Sa unang pagkakataon mula nang 2015, pinangunahan nina dating police officer Getulio Napeñas at kasalukuyang SAF chief Police Dir. Noli Taliño ang memorial para sa tropa na nautas sa operasyong “Oplan Exodus” laban sa Malaysian terrorist at bomb expert na si Zulkifli Bin Hir, alyas “Marwan”.

Dumalo sa seremonya ang mga pamilya ng mga commando kung saan binanggit isa-isa ang pangalan ng mga bayaning SAF 44, pinatunog ang kampana bawat isa sa namatay at binigyan din ng 21-gun salute na parte ng paggunita sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?