1,150

Oct 13, 2021 @ 9:24
By

‘Kabayan’ Noli umatras sa senatorial race: Mas swak ako sa TV Patrol

Inanunsyo ni Noli de Castro na hindi na siya tatakbo sa Senado sa Eleksyon 2022.

Ayon ito sa inisyal na ulat ng ABS-CBN News ngayong Miyerkoles.

“Isinumite ko ang aking kandidatura sa Comelec noong Biyernes. Ngunit nagkaroon ng pagbabago ang aking plano,” anang batikang newsman sa isang pahayag.

Ani ‘Kabayan,’ mas makakatulong kasi siya sa publiko sa pamamagitan ng pamamahayag.

“Kasabay ng pagdarasal sa Poong Nazareno, napag-isip-isip kong mas makatutulong ako sa pagbibigay ng boses sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pamamahayag,” aniya.

Samantala, nagpasalamat naman ang beteranong anchorman sa Aksyon Demokratiko para sa pagtanggap nito sa kanya bilang kasapi ng partido.

Taong 2004 nang maluklok si Noli bilang bise presidente sa ilalim ng administrasyon ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Nagbalik-loob naman siya sa broadcasting noong 2010 matapos ng kanyang pagiging VP. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?