37

Nov 17, 2021 @ 20:54
By

Kabataang Pinoy mahina sa fake news – survey

Mayorya ng mga kabataang Pilipino ang nagpakita ng “katamtamang” kakayahan sa pagtukoy ng mga pekeng balita.

Batay ito sa pag-aaral na isinagawa ng Boses, Opinyon, Siyasat at Siyensya para sa Pilipinas o Boses Pilipinas.

Lumabas din sa survey na isa lamang sa limang tertiary-level student ang ganap o halos ganap na natutukoy ang totoo at maling impormasyon.

Mahigit 20,000 mag-aaral sa unibersidad at kolehiyo ang tinanong ng Boses Pilipinas nationwide upang tukuyin ang totoo at maling impormasyon kung saan lagpas sa kalahati ang hindi batid kung tunay o gawa-gawa lamang ang impormasyon.

52.5% ng mga estudyante ang nakakuha ng anim hanggang walong tama sa sampung item habang katiting na 21.7% mag-aaral lamang ang naka-siyam na tamang sagot at 25.8% naman ang mababa ang iskor.

Ang Boses Pilipinas ay isang survey firm na nakabase sa Ateneo School of Government.

Isinisi naman ni Boses Pilipinas convenor Imelda Deinla ang katamtamang marka ng mga kabataan pagdating sa pag-spot sa fake news, sa mataas na tiwala sa social media kumpara sa mainstream news media gaya ng diyaryo, telebisyon at radyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?