21

Oct 8, 2021 @ 11:56
By

Kabataan party-list sasabak muli sa halalan

Naghain ng certificate of candidacy ang Kabataan party-list para sa 2022 elections.

Sinamahan ni incumbent Kabataan Rep. Sarah Jane Elago ang first nominee ng party-list na si Raoul Manuel sa paghahain ng COC at certificate of nomination and acceptance.

“Malaking hamon sa kabataan ang ituring na mga pag-asa ng bayan. Tangan natin ang legasiya ng mga bayaning nagmahal sa bayan at ipinagtanggol ito noong sila ay mga kabataan…. Pasan ng mga kabataan ang responsibilidad na umambag para itakwil ang korapsyon at isulong ang pulitika ng pagbabago at pag-asa,” sabi ni Manuel.

Ang iba pang nominee ng party-list group ay sina Angelica Galimba, Jandeil Roperos, Maria Jianred Faustino, Jayvie Cabajes, Vince Alloso, and RJ Ledesma. (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?