179
ABANTE ELECTION 2019 PLEBISCITE PHILIPPINES SENATE
Sep 24, 2018 @ 18:38
By

Kabataan hinikayat ng DILG na bumoto sa Mayo

Hinihimok ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang kabataan sa bansa na magpakita ng pagmamahal sa bansa sa pamamagitan ng pagpaparehistro para sa 2019 midterm elections.

Kasabay nito, ang paalala na sa darating na Sabado, Setyembre 29, na ang registration deadline na itinakda ng Comelec para sa halalan sa susunod na taon.

Ayon pa kay DILG spokesman Jonathan Malaya magparehistro ang mga may edad 18 pataas sa mga lokal na opisina ng Comelec, mag-apply ng bagong registration o ipare-activate ang kanilang voter’s registration.

Panawagan niya na huwag nang hintayin o maghabol pa sa deadline na aniya ay ugali na ng mga Filipino.

Giit ni Malaya, ang pagboto ay isang kongkretong partisipasyon sa demokrasya at daan tungo sa pagbabago sa pamumuno.

“Your vote on May 13 will have lasting impact on the political and socioeconomic future of our localities and our country,’’ diin ni Malaya.

Base sa datos ng Comelec, 45 porsiyento ng mga rehistradong botante ay kabataan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?