15

Oct 14, 2021 @ 14:39

Kabahayan naabo sa Zamboanga City

Mula sa isang napabayaang kandila ay naabo ang tahanan ng mahigit 500 pamilya sa Zamboanga City noong Miyerkoles.

Ayon sa ulat, sumiklab ang sunog sa Purok 3B, Barangay Recodo.

Gumagamit umano ng kandila sa naturang lugar dahil dalawang araw ng walang kuryente ang mga residente roon bunsod ng masamang panahon.

Mabilis ding kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay.

Apektado ang nasa 2,821 residente bagamat wala namang nasawi sa sunog. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?