176

Oct 5, 2020 @ 17:53
By

Kabahan na Miami! ‘LeBron’ naispatan sa Quiapo

Nagdasal na ba si LeBron James sa Quiapo Church para matalo ang Miami Heat at masungkit na ang kampeonato para sa LA Lakers?

‘Yan ang biro ng mga NBA fan matapos mag-viral ang isang larawan ni netizen Dong Corpuz na nakuhanan ang kamukha ng four-time NBA MVP sa Quiapo.

Gayang-gaya ng naturang lalaki si LeBron, mula sa jersey, balbas, sombrero, tattoo at pati na rin sa muscle.

Kaya hindi malayong mapagkamalang tunay na si James ang dumalaw sa Quiapo.

Matatandaan na dating nag-trending ang Cameroonian basketball player na si Yanscott Mboe matapos itong makuhanan sa jeep dahil din sa pagiging hawig nito kay LeBron.

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=2754028538203270&id=100007884515602

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?