44
Kabahan ka na Bolick! Aby Maraño kinilig sa Koreano
Jan 26, 2020 @ 14:26
By

Kabahan ka na Bolick! Aby Maraño kinilig sa Koreano

Kilig to the bones!

Ito ang tila naramdaman nang `di mapigilan ni volleybelle Aby Marano na i-share ang sobrang tuwa nito sa pagdalaw sa bansa ng lodi at crush niyang Korean singer, actor na si Kim Hyun Joong.

“Yung ultimate Korean crush ko nasa manila. Skl,” tila kinikilig na tweet ng Middle Blocker ng F2 Logistics Cargo Movers sa twitter account niyang @Abymarano.

Kasabay nito ay makikita sa video twitter post ang pagkanta ng Korean boy band member SS501 habang naghihiyawan ang crowd.

“Another day to prove that you can do it. Let’s go 💯,” dugtong pa ng dalaga.

Ang 33-anyos na South Korean actor ay kabilang din sa gumanap sa patok noong Korean dramas na `Boys Over Flowers’ at `Playful Kiss.’

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?