30
Kabadong matulad sa kinaladkad sa Farmers: Ice Seguerra takot magbanyo
By

Kabadong matulad sa kinaladkad sa Farmers: Ice Seguerra takot magbanyo

Para lang makapagbanyo, katakot-takot na titig at pang-aalipusta ang nararanasan ng LGBTQ community maging saang panig ng mundo.

Kasunod ng isyu ng pagpapalabas kay Gretchen Diez, isang transgender woman, matapos itong pumasok sa pambabaeng CR sa Farmers Plaza, binahagi ng sikat na singer na si Ice Seguerra ang kanyang dinaranas bilang tomboy.

Sa Instagram post ni Seguerra ay kanyang ibinahagi ang mga nararanasang pangmamata, panglalaki o pambabae mang CR ang gamitin.

“Pag sa pambabaeng banyo, ilang beses na akong pinalabas. And kung sa panlalaki naman, ang daming tanong, lalo na kung may mga Pinoy,” ayon kay Ice.

Kaya para maiwasan ay madalas umanong hindi uminom ng tubig si Ice para maiwasan ang madalas na pag-ihi.

“Kapag may ASEAN events akong dinadaluhan nung nagtatrabaho ako sa NYC (National Youth Commission), hindi ako umiinom ng tubig buong araw kasi natatakot ako mag banyo,” aniya pa.

Nanawagan si Ice na huwag isipin na mababaw lang ang isyu dahil para sa mga miyembro ng LGBTQ ay isa itong suliranin na kanilang pinagdaraanan sa araw-araw.

“Para sa iba mababaw, pero hindi eh. Hindi mababaw yung pagtititnginan ka ng mga tao lalo na yung papalabasin ka. Parang kinakain ako ng lupa sa tuwing nangyayari yun and what’s worse is I don’t feel safe.”

View this post on Instagram

Honestly, this is one of my biggest fears whenever I’m out. Lalo na pag nasa Arabic countries ako. Pag sa pambabaeng banyo, ilang beses na akong pinalabas. And kung sa panlalaki naman, ang daming tanong, lalo na kung may mga pinoy. Kapag may ASEAN events akong dinadaluhan nung nagtatrabaho ako sa NYC, hindi ako umiinom ng tubig buong araw kasi natatakot ako mag banyo. This is a real concern. Na hanggat hindi mo pa narararnasan, isasawalang bahala mo lang. Concern na hindi ko kailanman inisip na pagdadaanan ko rin pala. Para sa iba mababaw, pero hindi eh. Hindi mababaw yung pagtititnginan ka ng mga tao lalo na yung papalabasin ka. Parang kinakain ako ng lupa sa tuwing nangyayari yun and what’s worse is I don’t feel safe. All of these feelings and more, AND NOW THIS… just because gusto lang namin magbanyo.

A post shared by Ice Diño Seguerra (@iceseguerra) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?