4,753

Jan 26, 2021 @ 19:28
By

Kababuyan na! Sue Ramirez napamura sa ‘nude photo’ nila ni Maris

Nanggalaiti si Sue Ramirez sa edited na larawan nila ni Maris Racal sa social media.

Upang patunayang peke ang larawan nila ni Maris na kumakalat sa social media kung saan nakahubad sila, ipinost ni Sue sa kanyang Instagram account ang orihinal na kuha nito habang nakasuot sila ng swimsuit.

“Repost ko lang ulit tong mga picture na to para hindi kayo natatanga sa fake news. Ewan ko ba kung anong dahilan at pinuputakte niyo kami ng ganito,” ani Sue.

“‘Wag ko lang mahanap ang nagpapakalat ng kung ano-anong katarantaduhan na to. Ayoko na sanang magsalita pero ginagambala niyo ang katahimikan ng buhay ko. Umayos kayo. at wag tanga pls. Wag basta bastang naniniwala sa mga nakikita online. Hindi kayo pinalaking uto uto. Pls lang.

“Sumosobra na kayo. Sa mga nakakatanggap ng picture, siguro naman may delikadesa at respeto kayo enough to know na dapat hindi na kumalat pa ang PAMBABABOY na ito,” dagdag niya.


Patuloy niya, “Nakakadiri ka. Sa lahat ng nagshare neto at sa demonyo sa lupa na gumawa at nag edit ng kababuyan na to, nakakatawa ba to para sainyo?!!!!”

Nagpa-rescue siya sa milyon-milyong followers niya.

“Sa 8.1M followers ko, nakikiusap ako sa inyo. Tulungan niyo ako na matapos na ang kulturang ito. Kulturang bumababoy sa mga kababaihan. Kulturang mapanira. Kulturang kasuklam-suklam.

“Hindi na tama ito. Masyado na kayong nawiwili sa mga panggagago niyo samin. Ayoko nang manahimik. Abusado kayo.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?