Abante-TnT-Contractualization-hindi-kayang-lutasin-Duterte
By

Kababalaghan sa dismissal ng kaso ng 3 drug lord, pinasisilip ni Duterte

Sharing is caring!

Ipinaiimbestiga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Justice (DOJ) kung may naganap na “kababalaghan” kaya nabasura ang kaso laban sa tatlong suspected druglords na sina Kerwin Espinosa, Peter Lim at Peter Co.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na kapag napatunayan na may naghokus-pokus sa kaso ng tatlong suspected druglords ay nais ni Pangulong Duterte na maparusahan ang mga ito.

“Ang pangako po ng ating Presidente, eh kung kulang ang ebidensiya, dadagdagan at kung mayroong kababalaghan, parurusahan naman ang mga responsable, “ani Roque.

Hindi aniya papayagan ng gobyerno na makawala ang mga “big fish” lalo na kapag may mga ebidensiya sa kanila sa illegal drug trade.

“Gaya po ng taumbayan ‘no, ang Office of the President will take a very interested position in this case and we will closely monitor how the police will act from hence on ‘no. As I said, if upon review the DOJ finds reasons to reverse the dismissal, then it will be reversed. If however it is necessary to file additional evidence, we will prompt police authorities to do so. We will not allow a big fish to go away if there’s evidence to go after him,” dagdag pa ni Roque.

Palaisipan din sa Malacañang kung bakit ngayon lang naisiwalat sa publiko ang pagkadismiss sa kaso nina Espinosa gayong noong December 2017 pa pala ang desisyon ng National Prosecution Service.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?