20

Jan 9, 2021 @ 21:06
By

Kaanak ng OFW na infected ng bagong COVID variant pinag-quarantine

Naka-quarantine at isinailalim na sa swab test ang sampung kamag-anak ng OFW na nadiskubreng positibo sa bagong coronavirus variant sa Hong Kong.

Ayon sa Cagayan Provincial Information Office, nakasalamuha ng OFW ang sampung kaanak nang magbakasyon ito sa bayan ng Solana.

Umalis siya sa Cagayan noong December 17 sakay ng pribadong sasakyan at dumating sa Maynila kinabukasan.

Sumailalim siya sa swab test noong December 19 at nagnegatibo.

Nang magtungo naman sa Hong Kong noong December 22 ay nag-quarantine muli ito at sumailalim sa swab test noong January 2.

Lumabas na positibo siya sa bagong variant ng coronavirus noong January 9.

Samantala, sinabi ni Cagayan Governor Manuel Mamba na sa Hong Kong nahawa ng bagong COVID-19 variant ang OFW at hindi sa Pilipinas dahil negatibo ito bagong nilisan ang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?