1,212

By

Ka-love team ni Vice naospital

Sharing is caring!

Isinugod sa ospital ang ka-loveteam sa It’s Showtime ni Vice Ganda na si Jackie ‘Ate Gurl’ kamakalawa nang madaling-araw.

Nag-post si Jackie sa kanyang Instagram story na nasa ospital siya at may emoji na nagdarasal. Hindi pa malaman kung ano ang eksaktong nangyari sa dancer, sa litratong pinost niya, pero nakangiti pa siya habang may nakasalpak sa kanyang suwero na hindi malaman kung sinasalinan ba siya ng dugo o kinuhanan ng dugo.

Well, siyempre naisalin agad ang picture na ‘yan sa Twitter at pinag-usapan ng ilang mga fan kung anong nangyari kay Jackie.

Hinala ng iba na baka magdo-donate ng dugo ang dancer, pero ang iba naman ay talagang nag-alala para kay Jackie at para bang hindi mapakali sa pagti-tweet, tadtad talaga ng tanong kay Jackie kung anong nangyari sa kanya.

Ang iba naman ay humiling na sana ay maayos ang kalagayan ni Jackie.

Isa rin sa inaabangan ng mga fan ang reaksyon ni Vice pag nalaman na nasa ospital si Jackie. Inaasahan nilang dadalawin ang dancer ng kaniyang Showtime family lalo na ng boyfriend umano ni Jackie na si Hashtag Tom Doromal, at siyempre nga ng on cam love team niya na si Vice.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?