41

Dec 9, 2021 @ 17:47
By

Ka-level ni Gerald! Scottie pulutan ng mga netizen

Matapos madawit ang kanyang pangalan sa kontrobersiya, isa si Ginebra guard Scottie Thompson sa top 10 most searched male personalities sa Google Philippines ngayong taon.

Sa top 10, pang-anim si Thompson, sa likod nina Jake Gyllenhaal, Kim Seon-ho, Hwang In-youp, Gerald Anderson at Dylan O’brien.

Matatandaang umingay ang pangalan ni Thompson sa social media hindi dahil sa larangan niyang basketball, kundi nang ikasal siya noong Hunyo sa asawa na niya ngayon na si Jinky Serrano.

Nabahiran ang pangalan ng Ginebra guard dahil ang alam ng lahat ay engaged na siya kay Pau Fajardo.

Samantala, gaya ni Thompson ay kasama rin sa most searched na male personality sa Google si Anderson dahil sa pag-amin nito na sila na ni Julia Barretto, matapos ang pakikipaghiwalay kay Bea Alonzo.

Ang iba pang nakapasok sa top 10 ay ang jowa ngayon ni Bea na si Dominique Roque, Giannis Antetokounmpo, Carlo Paalam at Mel Sarmiento.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?