297

Oct 18, 2021 @ 14:51
By

Ka Leody may banat kay VP Leni: Parang maputlang spaghetti

Tila may pailalim na banat ang aktibista at presidential aspirant na si Ka Leody de Guzman sa isa niyang tweet nitong Sabado.

Makikita kasi sa post nito ang litrato niyang may hawak na “maputlang spaghetti.”

“Kapagod, daming meeting today. Tara, kain tayo ng… ano ba ‘to? Spaghetti na maputla.”

Hinala ng mga netizen, patama ito sa kapwa niya presidential candidate na si Vice President Leni Robredo.

Sey ng ilan, dahil sa pasaring ng labor leader ay wala na rin itong pinagkaiba sa mga trapo at misogynist na nakaupo ngayon sa gobyerno.

Sa palagay naman ng iba, “harmless” post lang ang tweet niya at wala namang siyang intensyon na patutsadahan.

(VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?