166

Nov 5, 2018 @ 19:57
By

Ka Freddie manok ni Digong sa 2019

Inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte ang de-kalibreng mang-aawit na si Freddie Aguilar para sa darating na 2019 midterm elections.

Si Aguilar ay kumanta sa inagurasyon ng bagong Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) kung saan naging panauhing pandangal ang Pangulo.

Ipinarinig ni Aguilar ang kanyang bagong awitin patungkol sa mga paghihirap ng mga overseas filipino worker (OFW) at nakuha nito ang atensiyon ng mga bisita at mga opisyal na dumalo sa aktibidad.

Sinabi ng Pangulo na si Aguilar ay isang makabayan kaya’t hiniling sa publiko na ikonsidera ito sa darating na eleksiyon.

“Freddie is running for senator. Wala akong hiningi sa inyo kung hindi just consider. He is a brilliant man. Of course he can talk in English. But he is a singer, that is [his] profession. Kaya ako nakikiusap. Tutal dose man ‘yan. Ibigay ninyo sa isang nationalist, ‘yung isang tao nagmamahal sa bayan. And the protest of his songs are there. Makikita na ninyo for the next generations and generations to come,” anang Pangulo.

Sinabi ni Pangulong Duterte na hinahangaan niya ang mga awitin ni Aguilar dahil nailalarawan nito sa pamamagitan ng mga kanta ang paghihirap at hinaing ng mga pilipino lalo na yaong mga nagtatrabaho sa ibang bayan.

“He just sang about the suffering and agony of our countrymen, the OFW. And the things that they have to endure just to remit a little money for the family. Kaya ako galit talaga sa droga. P***** — papatayin ko talaga kayo. Do not do it because ‘yung sabi nga — pakinggan na ninyo,” dagdag pa ng Presidente.

Pabirong nagbanta si Pangulong Duterte na iisa-isahin niya ang mga ito kapag hindi ibinoto si Aguilar na aniya ay isang makabayan, at may tunay na malasakit sa mga ordinaryong Pilipino.

“In his time, in our generation, he has several messages for the Filipinos to remember. Kaya ako, kasali kayo, ‘pag hindi ninyo binoto ‘yan, bantay kayo sa akin. Isa-isahin ko kayo,” anang Pangulo kasunod ng pagtawa.

“Tulungan natin si Freddie because he is one exemplary nationalist guy. And do not ever think that Tagalog lang ‘yan. He is my friend. He is a brilliant guy. He can talk and he can help the country,” wika pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?