38

By

Ka-brod ni Duterte sa frat, hinirang na Comelec commissioner

Sharing is caring!

Nakumpleto na ang bilang ng commissioners sa Commission on Elections (Comelec) makaraang mapunan ang huling bakanteng puwesto sa pamamagitan ng appointment ni Justice Undersecretary Antonio Kho Jr.

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Kho para sa binakanteng puwesto ni Comelec Chairman Sheriff Abas.

Si Kho ay fraternity brother ng Pangulo sa Lex Talionis Fraternitas ng San Beda kung saan ito nagtapos ng kanyang pagka-abogasya.

Tatagal ng hanggang Pebrero 2022 ang termino ni Kho sa Comelec.

Matatandaang hinirang ng Pangulo si Abas noong Nobyembre 2017 bilang Comelec chairman makaraang magbitiw ang dating pinuno ng komisyon na si Andres Bautista na nasangkot sa kontrobersiya.

Dahil dito nabakante ang kanyang puwesto bilang commissioner ng walong buwan at ngayon lamang ito napunan matapos italaga ng Presidente si Kho. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?