308

Dec 19, 2017 @ 20:38

K-pop star Jonghyun, dumaan sa depresyon

Dumaan sa depresyon si K-pop superstar Jonghyun.

Base sa sulat o isang note, na pinaniniwalaang gawa ni Jonghyun at inilabas sa social media ng malapit nitong kaibigan, makikita na dumaan sa matinding kalungkutan ang superstar.

“The depression that was slowly devouring me at last consumed me,” ang sabi sa sulat na pinost ng kapwa singer nito na si Nine, ayon sa BBC News.

Natagpuang patay si Jonghyun, 27-anyos, nitong Lunes na hinihinalang nagpakamatay ito.

Siya ang lead singer ng South Korea’s biggest pop groups na SHINee.

Nagdulot naman ng matinding pighati sa fans niya sa buong mundo ang pagkamatay nito.

Nitong Martes, ibinahagi ni Nine, miyembro ng isa pang pop group na Dear Cloud, sa Instagram ang note ni Jonghyun na ipinadala umano sa kanya at may tagubilin na ipakita ito sa publiko sakaling mawala siya sa mundo.

Sinabi nito sa note ang pinagdadaanan niyang hirap na mabuhay sa mata ng publiko at sinabing, “I was broken from the inside” at “the life of fame was never meant for me.”

Samantala, ayon sa report ng allkpop, maaaring makapunta sa burol ni Jonghyun ang mga fans nito mula Disyembre 19 hanggang Disyembre 20 ngunit magiging pribado na ang kanyang libing sa Disyembre 21. Sa kasalukuyan ay wala pang naatasang punerarya pa rito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?