42

By

K-pop star B.I kumalas na sa iKON

Inanunsiyo ni South Korean rapper B.I ang pag-alis niya sa boy group iKON matapos mapabalita ang pagbili niya ng iligal na droga.

Inamin ni B.I, na Kim Han-bin ang tunay na pangalan, ang pagkahumaling niya sa droga pero takot siyang gamitin ito.

“First, I would like to sincerely apologize for stirring up trouble due to my tremendously inappropriate actions. It is true that I wanted to rely on something that I shouldn’t have had any interest in due to going through a hard and painful time. However, I was too scared and fearful to do it,” saad ni B.I sa statement.

Naiulat ng Korean media outlet na Dispatch na bumili si B.I ng marijuana at lysergic acid diethylamide, isang hallucinogenic drug.

Aminado siyang nahihiya at sobrang apologetic sa mga fan na dismayado at nasaktan sa ginawa niya.

“Even so, I am so ashamed and apologetic to fans who were greatly disappointed and hurt because of my wrong words and actions. I intend to humbly self-reflect on my mistake and leave the team,” dagdag pa ni B.I.

Si B.I ang lider ng seven-member Korean group iKON na kinabibilangan nina Bobby, Jay, Ju-ne, Song, DK, at Chan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?