106
K-pop star arestado sa paggawa, pagpapakalat ng sex video
By

K-pop star arestado sa paggawa, pagpapakalat ng sex video

Ilang oras matapos maglabas ng kanyang public apology, dinakip si K-pop star Jung Joon-young for filming at distributing ng sex videos.

“I am sorry. I made a big and inexcusable mistake, and I admit my guilt. I will live my days repenting for the sins,” ani Joon-young.

Noong nakaraang linggo inamin ni Joon-young ang pag-video sa kanyang sarili habang nakikipagtalik at ipinakalat ito nang walang permiso sa kanyang naka-sex.

Matapos ay inanunsiyo niya ang kanyang pagreretiro sa entertainment industry.

Naibahagi naman ang videos ng may 10 babae sa mobile chat rooms noong 2015 kung saan kasamang nakakuha nito si K-pop star Seungri ng BIGBANG.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?