88

Jul 9, 2019 @ 22:38
By

K-pop group na EXO, balik Pinas sa Agosto

Magko-concert muli sa bansa ang South Korean boy group na EXO, ayon sa anunsiyo ng concert promoter na PULP Live World.

Gaganapin ito sa August 24 sa Mall of Asia Arena na bahagi ng 5th solo concert ng EXO na, “EXO Planet #5 — EXplOration”.

Kinabibilangan ang grupo ng siyam na miyembro na sina Xiumin, Suho, Lay, Baekhyun, Chen, Chanyeol, D.O., Kai at Sehun.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?