553

Sep 11, 2021 @ 9:32
By

K Brosas dinemanda nang-iwan sa ere na contractor

Hindi na nakapagtimpi si K Brosas at kinasuhan ang kinontrata at pinagkatiwalaan niya ng P7 milyon para gawin ang kanyang bahay.

Aniya, humigit-kumulang pitong milyon na ang perang kanyang naibigay ngunit inabandona umano ng taong ito ang kanyang pinapagawang bahay.

“Ilang taon na po ang nakakaraan ng may kinontrata ako para gawin ang aking bahay dahil sa kagustohan kong umiwas sa malaking babayarin sa pagupa ng townhouse at condominium unit.

“Nakakalungkot lang na kahit malaking pera na ang nabigay ko at kung tutuusin tapos ko na ang pagbabayad sa buong halaga, mahigit kumulang 7 milyon.. inabandona pa ng pinagkatiwalaan ko ang nasabing bahay,” ani K sa Facebook post.

Sabi niya pa, ilang beses na siyang nakiusap, umiyak at humingi ng tulong pero wala pa ring nangyari.

Kaya naman napilitan na siyang maghain ng demanda.

“Alam lahat ng kaibigan ko kung ilang beses nakong nag breakdown, napadalas uli ang anxiety attacks ko dahil sa sobrang stress.. masaya ako lagi sa trabaho ko pero lingid sa kaalaman ng iba pag hindi naka harap sa camera, grabe ang bigat at depression ko dahil sa pangarap kong bahay na para din sa anak ko.

“Naniniwala pa din ako sa justice system natin. I hope justice will be served at the end of the day.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?