100

Dec 29, 2017 @ 16:01

K-9 dogs kailangan sa paghagilap sa landslide victims dahil sa bagyo

Hirap ang mga rescuer sa paghagilap sa mga biktima ng bagyong Vinta sa Lanao del Norte na natabunan ng makakapal na putik.

Ayon sa report ng Unang Balita, kailangan ng search and retrieval teams ng K-9 dogs para makita ang mga bangkay.

Kamakailan lang ay nakarekober ng isang bangkay ng bata sa Maranding River na natabunan ng mga bumigay na puno at putik na pinaniniwalaang bunga ng illegal logging.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?